^

Bansa

Duterte idineklarang National Infection Prevention & Control Week ang Hulyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawang linggo ng Hulyo taun-taon bilang “National Infection Prevention and Control Week.”

Layunin ng Proclamation No. 971 na isulong sa mga mamamayan ang pagpapahalaga sa kalusugan sa gitna nang ginagawang paglaban ng buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Nakapaloob din sa deklarasyon na ang ikalawang Sabado ng Hulyo taun-taon ay gagawing “Surgical Infection Prevention Awareness Day.”

Nakasaad din na kinikilala ng gobyerno na ang impeksiyon ay isang pangunahing problemang pangkalusugan na labis na nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan.

Sinabi rin ng Pangulo na kailangang ipaintindi sa mga mamamayan na ang prevention at health promotion ay sandata para malabanan ang banta na dulot ng impeksiyon.

Inatasan ng Pangulo ang lahat ng ospital at mga health facilities na makiisa at tumulong sa mga gagawing programa para mapalaganap ang mga impormasyon tungkol sa mga infections.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with