^

Bansa

2 pulis sa Ilocos Sur na dawit sa pagpatay sa 15-anyos, sinibak!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasisibak ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang dalawang pulis sa Ilocos Sur na sangkot umano sa pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita.

Nakilala ang dalawang akusadong police na sina PSSg Randy Ramos at PSSg Marawi Torda na nahaharap sa kasong panggagahasa at pagpatay.

Sa kanyang direktiba kay PNP-Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo, nais nitong tapusin sa loob ng 15 araw ang kaso at maglabas ng resolusyon.

May limang araw naman ang dalawang pulis para tumugon sa kanilang kaso.

Dismayado si Gamboa sa ginawa ng dalawang pulis, na tinawag ng heneral na mga animal at walang kwentang mga pulis.

Kasalukuyang nasa restrictive custody na ng Ilocos Sur Police Provincial Office ang dalawa.

Batay sa imbestigasyon, kasama sa grupo ng mga kabataan sa isang party ang 15 taong gulang na biktima at pinsan nitong 18-anyos na dalaga nang sitahin ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at social distancing.

Ginahasa umano ang dalawa matapos hulihin pagdating sa Cabugao noong July 1.

Nagawa pang magreklamo ng mga biktima pero pagkatapos nito ay agad silang tinambangan.

Iniutos na rin ni Gamboa sa Police Regional Office 1 na magbigay ng security sa pamilya ng 18-anyos na dalaga na nakaligtas matapos umanong gahasain ng pulis.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with