‘Give Anti-Terror law a chance’ - DND
MANILA, Philippines — “Give Anti-Terror law a chance.”
Ito ang binigyan diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag na titiyakin nilang hindi aabusuhin ang Anti-Terrorism law.
Biyernes nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terror bill sa kabila ng mariing pagtutol ng ilang Filipino dahil sa pangambang gagamitin ito upang patahimikin ang mga kritiko ng pamahalaan.
Apela ni Lorenzana sa publiko, “give this law a chance and not to be swayed by misinformation and disinformation.”
Naniniwala si Lorenzana na napapanahon na ang nasabing bill upang matapos na ang masamang gawain ng mga terorista.
Ayon naman kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, walang katiyakan na hindi maaabuso ang bill dahil mismo ang Anti-Terror bill ay isang pang-aabuso.
- Latest