Congress probe sa P1.8 bilyong fertilizer deal, ituloy na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan sa Senado at Kamara si dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor na ituloy na ang pag-iimbestiga sa umano’y overpriced urea fertilizer sa ilalim ng emergency stimulus program para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Federation of Free Farmers president Leonardo Montemayor, dapat sagutin ng Department of Agriculture ang mga reklamo ng mga magsasaka na ang nanalo sa bidding ang may mataas na presyo.

Itinakda ng DA sa P1,000 per bag ang urea fertilizer sa supply contracts sa bansa na umaabot sa P5.69 billion sa ilalim ng stimulus program na Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 (ALPAS sa COVID-19).

Nitong Mayo nang ma­ilabas ang unang kontrata na nagkakahalaga ng P1.8 billion sa La Filipina Uy Gongco Corp. at Atlas Fertilizer para mag-supply sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.

Sa kabila umano ng reklamo ng mga magsasaka na mas mataas ng P150 kada bag ang nanalo sa bidding, itinuloy pa rin ng DA  ang iba pang kontrata na umaabot naman sa P1.3 bilyon.

Pinaalalahanan ni Montemayor si Agriculture Sec. William Dar sa pagdepende sa price monitoring reports ng Fertilizer and Pesticide Authority and the Philippine Statics Authority.

Iginigiit ni Dar, na hindi agrabyado ang gobyerno sa nanalong bidder dahil mas mababa pa rin ito sa average price ng urea mula P1,043 hanggang P1,062 kada sako mula Marso hanggang Mayo.

COVID-19 PANDEMIC FERTILIZER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with