PAF tuloy ang search, rescue sa missing Liberty 5 crew

MANILA, Philippines  — Patuloy ang search and rescue operation ng mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa paghahanap sa posible pang mga survivors ng 12  tripulante at 2 pasahero ng lumubog na F/B Liberty 5 matapos na mabangga ng barko ng China sa karagatan ng Occidental Mindoro noong Hunyo 28.

Ayon kay Lt. Col. Aris-tedes Galang, Spokesman ng PAF, patuloy sa paglipad ang mga helicopter ng PAF sa karagatan ng Cape Calavite, Occidental Mindoro sa pag-asang may masasagip pang survivors.

Kabilang sa mga air assets ng PAF na ginagamit sa search and rescue ope­rations ay ang Huey II ng 505th Search and Rescue Group at ang C-208 B ng 300th Air Intelligence and Security Wing na patuloy ang paglipad sa ibabaw ng karagatan ng Paluan at Maburao, Occidental Mindoro.

Ang mga pinaghaha­nap na tripulante ng F/B Liberty ay nakilalang sina Jose Magnes Alfonso, Boat Captain; Renante Dahon, Chief Mate; Reymel Magura, Chief Engineer; Miguel Comaling, Assistant Chief Engineer; Joefrey Bantog, Oiler; Jeerom Alaska, Oiler; Michael Flores, Master Hatchman; Jayson Bigonte, Adrian Robert Amogod, Bartolome Oab Jr, Herbert Dalabayan, Reynald Riparip, Hatchmen.

Samantala ang dalawang mga pasahero ay nakilala namang sina Ariel Tabang, at Eduardo Manipol.

Show comments