^

Bansa

80% ng bansa MGCQ sa Hulyo 16 – Lorenzana

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
80% ng bansa MGCQ sa Hulyo 16 � Lorenzana
Ayon kay Sec. Delfin Lorenzana na miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, ang pagsasailalim sa MGCQ ay batay naman sa datos ng kaso ng COVID-19 na nakasaad sa report ng Department of Health (DOH).
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Upang muling umikot ang ekonomiya, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na posibleng isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Hulyo 16  ang ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Lorenzana na miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, ang pagsasailalim sa  MGCQ ay batay naman sa datos ng kaso ng COVID-19 na nakasaad sa report ng  Department of Health (DOH).

“Sabi nga ng DOH, depende pa sa mga analytics na lalabas pero more likely siguro mga 80%, mag-MGCQ na tayo sa July 16,” ani Lorenzana.

Hindi naman tinukoy ni Lorenzana ang mga lugar na isasailalim sa MGCQ. Hanggang sa Hulyo 15 nasa GCQ ang Metro Manila at Calabarzon region na itinuturing na business hub ng bansa.

“Dahil nga lumuluwag na ‘yung ating quarantine at saka gusto na nating buksan ‘yung ating ekonomiya, maraming pagbabago, mas marami ng tao ang makakalabas, pati mga simbahan magbubukas na rin, magdadagdag na rin ng transportasyon ‘yung DOTr so malaking pagbabago,” Lorenzana.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with