Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año, ang mga naturang bilanggo ay pinalaya mula Marso 17 hanggang nitong Hunyo 22 lamang.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr./File
DILG: Higit 15K PDLs, pinalaya para mapaluwag ang mga bilangguan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 15,000 per­sons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa mga piitan bilang bahagi ng decongestion program sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang mga naturang bilanggo ay pinalaya mula Marso 17 hanggang nitong Hunyo 22 lamang.

Sinabi ni Año na kabuuang 15,322 ang mga pinalayang PDLs, kasama rito ang 5,910 mula sa National Capital Region; 1,557 mula sa CALABARZON; 1,487 mula sa Central Visayas; 1,041 mula sa Central Luzon; 897 mula sa Zamboanga Peninsula; 762 mula sa Northern Mindanao; at ang natitira ay mula sa iba pang mga rehiyon sa bansa.

Ang karamihan aniya sa mga pinalayang PDL ay mga matatanda at mga nakagawa ng magaan o bailable offenses lamang.

Binigyang diin naman ng DILG  na ang bilang ng mga PDLs na gumagaling mula sa COVID-19 ay patuloy na tumataas.

Sa ngayon, 549 sa 783 na ang kumpirmadong kaso sa mga PDL, at 90 sa 135 na kaso naman sa mga tauhan ng BJMP ay gumaling na.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with