Magtulungan sa COVID crisis - ASPAP
(Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip umanong magsiraan ay dapat magkaisa ang lahat upang matulungan ang gobyerno sa paglaban sa krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.

Ang pahayag na ito ng Accredited Service Providers Association of PAGCOR (ASPAP) ay kasunod ng mga balitang lumalabas na dapat pagbayarin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga Pogo Service Providers (PSP) ng buwis at habulin umano ang mga ilegal na nagpapatakbo ng offshore gaming operations sa bansa.

Kaugnay rin ito sa panukalang buwisan ang mga online sellers at retailers.

Ayon sa tagapagsalita ng ASPAP na si Atty. Margarita Gutierrez, dapat ­alamin muna ng publiko ang mga impormasyon kaugnay sa pagbabayad ng mga PSP ng kanilang buwis sapagkat hindi sila nagkulang sa pagbabayad ng regulatory fees at mga corporate at withholding taxes ng kanilang mga empleyado.

Paliwanag din ni Gu­tierrez, hindi na bago ang pagpapataw ng buwis sa mga online sellers at retailers sapagkat base sa mga tax laws, ang magbabayad lamang ng income tax ay ‘yung mga kumikita ng higit sa P250,000 isang taon.

Ang panawagan ng BIR ay para sa pagrere­gister lamang ng mga online sellers at retailers ng kanilang mga negosyo at hindi ito nangangahulugang papatawan ang mga ito ng karagdagang buwis.

Ayon kay Gutierrez, kumolekta ang gobyerno ng karagdagang P6.42 bilyon sa personal at corporate income tax mula sa mga PSP at kahit wala pa ang pandemya, sinisiguro ng grupo na hindi sila nagkukulang sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

PAGCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with