^

Nasa 500 naaresto dahil sa profiteering at scam face mask

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot sa 500 indibiduwal ang nahuli ng Department of Trade and Industry at composite team na kinabibilangan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa profiteering at scam ng face masks.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, may mga kaso na nagbayad na ang bumili ng produkto online pero hindi naibigay ang binili.

“Unang-una, iyong mga nahulihan ay maraming cases iyong profitee­ring at iyong iba naman po ay iyong-actually more of a scam, after maghulog or magbayad noong mga buyers ay wala pong dineliver na mga produkto,” ani Lopez.

Matatandaan na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagbili ng mga face mask sa online dahil marami ang manloloko.

Sinabi ni Lopez na tiningnan nila lahat ng reklamo at nakahuli sila ng nasa 500 pati na yong mga nasa regular na tindahan.

“So lahat po ito ay na-attend-an ng mga taga-DTI kasama po ang composite team natin composed of the PNP-CIDG pati po ang NBI. Kaya po marami po tayong mga naaresto na, kulang sa 500 na ang mga naaresto sa sari-saring mga kaso, both online at saka pati po sa brick and mortar, iyong regular na tindahan sa mga kaso po ng profiteering and hoar­ding,” ani Lopez.

Idinagdag ni Lopez na naging laganap ang profiteering at hoarding sa kasagsagan ng lockdown.

“Ito po ay naging ma­laganap lalo na po noong mga kasagsagan ng atin pong lockdown,” ani Lopez.

RAMON LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with