^

Bansa

Ayuda sa mahihirap, manggagawa tigil na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ayuda sa mahihirap, manggagawa tigil na
Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, na-expired na kahapon ang Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay ng emergency power sa Pangulo at nag-uutos na mamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya, health care workers at PUV drivers.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Matitigil na ang pamimigay ng gobyerno ng tulong pinansyal na P5,000-P8,000 sa mga mahihirap at sa mga manggagawa na hindi makapagtrabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, na-expired na kahapon ang Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay ng emergency power sa Pangulo at nag-uutos na mamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya, health care workers at PUV drivers.

Sinikap umano nila sa Senado na ihabol ang kapalit ng Bayanihan to Heal as One Act na Bayanihan to Recover as One Act na pinagpu­yatan umano nila.

Hindi nila ito naihabol dahil hindi sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent.

Sinabi naman ni Lacson na nauunawaan nila ang ehekutibo partikular na ang Department of Finance (DOF) dahil nagiging maingat lamang sila dahil usapin ito ng budget at sila ang nakakaalam sa fiscal situation ng ating bansa.

Dahil dito kaya apek­tado umano ang lahat ng ayuda at benepisyo para sa mga manggagawa at mahihirap na nakasaad sa Bayanihan Act.

Bukod sa ayuda, ini­utos din sa batas ang kompensasyon sa mga health workers na magkakasakit at mamamatay dahil sa COVID-19 at pinabibigyan din sila ng risk allowance bukod pa sa hazard pay.

Giit ni Lacson, maaari naman umanong magpatuloy ng tulong pinansyal subalit hindi na obligado ng fixed amount na P5,000-P8,000 para sa low income family at P10,000 para sa mga OFWs.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with