^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan ng 634, lampas 20,000 na

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan ng 634, lampas 20,000 na
Naglalakad sa mall ang mamimiling ito isang araw matapos luwagan ang lockdown sa Kamaynilaan, ika-2 ng Hunyo, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines (Updated 7:49 p.m.) — Patuloy ang pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, apat na araw simula nang ipatupad ang mas maluwag na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), sinabi na umabot na sa 20,382 ang kumpirmadong tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Ang 634 karagdagang kaso ng COVID-19 ay nagmula sa mga sumusunod:

- fresh cases (313)
- late cases (321)

Ang mga "fresh cases" ay tumutukoy sa mga resultang nailabas sa nakalipas na tatlong araw. Samantala, ang mga "late cases naman ay mula sa mga resultang lampas apat na araw nang naibigay.

"Today's fresh cases are based on the daily accomplishment reports submitted by only 34 out of 42 current operational labs," sabi ng DOH sa kanilang ulat, Huwebes.

Karamihan sa mga bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region sa bilang na 114. Kasalukuyang nagpapatupad ngayon nang mas maluwag na GCQ.

Gayunpaman, kalakhan ng mga "late cases" na kinumpirma ngayong araw ay nagmula sa iba't ibang rehiyon sa labas ng Metro Manila at Central Visayas sa bilang na 177.

Patay naman sa sakit ang 10 pa. Sumatutal, 984 na ang namamatay sa virus sa Pilipinas magmula nang pumasok ito mula Wuhan, China.

Sinwerte namang makatakas sa peligro ng virus ang 4,248 matapos gumaling sa COVID-19 ang 95 pa.

Umabot na sa 6.28 milyon ang tinatamaan ng contagion sa buong daigdig, ayon sa huling taya ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 379,941 na ang namamatay.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with