^

Bansa

Enrolment kasado na – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Enrolment kasado na � DepEd
Matatandaang unang bahagi pa lamang ng Marso nang suspindihin ng pamahalaan ang mga klase sa lahat ng antas sa Metro Manila matapos na makumpirmang nagkakaroon na ng community transmission ng COVID-19 sa bansa.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Kasado na ang enrolment bukas (Lunes) ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa bansa para sa school year 2020-2021.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, inatasan na nila ang lahat ng school superintendent, supervisor, principal at mga guro sa lahat ng public school sa bansa para sa nasabing enrolment.

Sinabi ni Briones, magsisimula ang mga “virtual class” sa Agosto 24 at walang magaganap na face-to-face classes dahil sa banta ng COVID-19.

Sa ngayon aniya ay tuluy-tuloy ang pagsasagawa nila ng konsultasyon sa mga magulang at iba pang stakeholders hinggil dito.

Paliwanag pa niya, kailangan itong pag-aralan ng mabuti dahil sakaling ipatupad ay magtutuluy-tuloy na aniya ito sa mga susunod pang school year.

Pinaigting pa nila ang kanilang pagsusumikap na gawing available ang online classes sa mas maraming mag-aaral sa bansa, dahil malaki ang maitutulong nito sa kanila.

Matatandaang unang bahagi pa lamang ng Marso nang suspindihin ng pamahalaan ang mga klase sa lahat ng antas sa Metro Manila matapos na makumpirmang nagkakaroon na ng community transmission ng COVID-19 sa bansa.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with