COVID case sa Leyte, bahagi ng Hatid Probinsiya

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na ang indibidwal na nasuri na nagpositibo sa COVID-19 sa  Leyte ay bahagi ng Hatid Probinsiya program ng pamahalaan at hindi Balik Probinsiya.

Ito ay sinabi ni Año bilang reaksiyon sa pahayag ni Baybay City Mayor Jose Carlos Cari na ang unang kaso ng COVID-19 sa bayan ay isa sa sumailalim sa Balik Probinsiya program ng pamahalaan.

Nilinaw ng kalihim na may pagkakaiba sa Hatid Probinsiya at Balik Probinsiya program ng pamahalaan.

Anya, ang Hatid Probinsiya ay ang pagbabalik ng mga  stranded na indibidwal sa kanilang probinsiya sa panahon ng krisis habang ang Balik Probinsiya ay pangmatagalang programa ng pamahalaan na binibigyang pagkakataon ang mga pamilya na doon na mamuhay at manirahan sa probinsiya.

 

Show comments