Nakapila sa departures area patungo sa kani-kanilang bayan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na ito matapos i-quarantine nang ilang linggo galing sa ibang bansa.
AFP/Ted Aljibe
'Old cases ang iba': DOH dumepensa sa all-time high COVID-19 increase kahapon
James Relativo (Philstar.com) - May 29, 2020 - 6:17pm

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag ang Department of Health, Biyernes, sa natanggap na batikos matapos i-ulat ang pinakamataas na pagtalon ng coronavirus disease (COVID-19) sa kasaysayan ng Pilipinas sa iisang araw kahapon.

Matatandaang umabot ito sa 539 kahapon, dahilan kung kaya't nabira ang biglang pag-anunsyo ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) para sa Metro Manila simula Lunes.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing, marami rito ay mga datos na nabinbin at kahapon lang naiulat kaya't naipon.

"Out of these 539 cases [na naidagdag kahapon], 109 lamang po ang fresh cases. Ang fresh cases ay ang mga kasong kalalabas lamang po ang laboratory results sa loob lamang ng tatlong araw na nakalipas," ani Vergeire.

"Ang balanse na mahigit-kumulang na 400 ay mga late cases, o mga kaso na ang mga resulta ay lumabas noong nakaraan pang linggo, pero dahil kahapon lang po na-submit ang mga laboratory results nila... kahapon lang din po na-validate ng epidemiology bureau ng DOH."

 

 

Ang proseso ng validation daw ang nagsisiguro na walang nadodoble sa bilangan. Sa mga namatay na inulat kahapon, ilan daw dito ay Marso o Abril pa pumanaw.

"Gaya din sa mga kaso, ang aming reporting ay nakasalalay kung gaano kaaga isu-submit ng mga ospital o local government units ang data dito sa DOH," dagdag niya.

Kamakailan lang din daw bumilis ang kanilang validation, sa dahilang dumami ang mga disease surveillance officers, pagshift sa "fully automated platform" at pagpapatupad ng mas maayos na pagpasok ng mga datos. 

Sa ngayon, halos 5.6 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa World Health Organization. Hindi naman pinalad ang 353,373 katao dito at tuluyang nasawi.

Kagabi lang nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa Metro Manila sa GCQ simula Lunes, na magpapaluwag sa mahigit sa dalawang buwang mahigpit na lockdown measures sa mga residente ng Kalakhang Maynila.

Dahil diyan, dahan-dahan nang manunumbalik ang mga pampublikong transportasyon at aktibidades na ipinagbawal para mapigilan ang pagkalat virus.

Hindi tulad ng nakagawian, hindi inilabas ang daily tally ng COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong 4:00 p.m. Ilalabas daw nila ito ng 8:00 p.m. dahil magsasagawa sila ng panibagong pamamaraan ng case reporting upang maiwasan ang kalituhan.

Umabot kahapon sa 15,588 ang bilang ng kumpirmadong infections sa Pilipinas, ayon sa DOH. Sa bilang na 'yan, 921 na ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with