Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang posibilidad na ito sa gitna ng inaasahang pag-aanunsiyo kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magiging GCQ na ang NCR.
Presidential Photo/Yancy Lim
Metro Manila handa na sa GCQ
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang Metro Manila sa paglipat sa gene­ral community quarantine mula sa enhanced community quaran­tine sa Hunyo 1.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang posibilidad na ito sa gitna ng inaasahang pag-aanunsiyo kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magiging GCQ na ang NCR.

Ayon kay Roque, makikita naman sa data na nakahanda ang NCR pero kailangan pa rin ang kooperasyon ng lahat upang hindi na bumalik sa ECQ.

Sinabi ni Roque na base sa datos, bumagal ang tinatawag na “doubling rate” na pinagbasehan naman ng rekomendasyon ng mga ma­yors ng Metro Manila na ilagay na ang bansa sa GCQ.

Idinagdag ni Roque na nakahanda na naman ang lugar kung saan dadalhin ang mga asymptomatic na positibo sa COVID-19 samantalang dadal­hin naman sa mga ospital ang seryoso ang karamdaman.

Mahalaga anyang balansehin ang ekonomiya dahil halos pareho lamang ang mangyayari kung buhay nga at ligtas sa virus pero mamamatay naman sa gutom dahil walang hanapbuhay ang mga tao lalo na ang mga mahihirap.

Napatunayan na rin naman ng mga mamamayan na kaya nilang sumunod sa mahigit na 70 araw na naka-ECQ at MECQ ang maraming lugar.

Samantala, sinabi ni Roque na sa sandaling mag-GCQ na, 10 % hanggang 50% ng pampublikong transportasyon ay maaari na muling lumabas pero pananatilihin pa rin ang social distancing.

Related video:

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with