^

Bansa

P11.7 bilyon kailangan sa hiring ng COVID contact tracers

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mangangailangan ang Department of Health ng P11.7 bilyon para pampasuweldo sa mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.

Una nang sinabi ng DOH na kailangan pa nila ng 95,000 contact tracers na susuwelduhan base sa salary grade na itinakda ng Civil Service Law.

“Nung kinompute natin ito with proposed qualifications ng mga contact tracers, nakita natin na mangangailangan tayo ng 11.7 billion (Pesos) in 3 months,” ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Kabilang sa mga hina­hanap ng DOH ang mga manggagawa na may medical background partikular ang mga nurses, o kaya ay graduate o undergraduate ng ibang kursong medikal.

Kailangan din na may ‘social skills’ ang aplikante dahil sa mga isasagawang panayam.

Nakipag-ugnayan na ang DOH sa Dept. of the Interior and Local Government sa paghahanap ng mga aplikante sa naturang posisyon.

Hiniling din nila sa DILG na maaaring ikonsidera ang mga barangay health workers at social workers para sumuporta sa contact tracing upang mas mabisang malabanan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with