Mobile rapid testing trucks aarangkada
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilalatag na ng Bagong Henerasyon partylist at Rotary International district 3780 ang paglalagay ng mobile rapid screening facility para sa mga negosyo na magbabalik sa trabaho ang kanilang manggagawa para masuri muna para sa COVID-19.

Ayon kay House Deputy Majority leader at Bagong Hene­rasyon Rep. Bernadette Herrera, limang units ng mobile COVID-19 testing trucks ang plano nilang ilabas para mangasiwa at magproseso ng rapid antibody tests.

Sinabi pa ni Herrera, na ang rapid testing projects ay na­ging posible dahil sa pakikipagtulungan ng B&B Trainings and Holding Inc. para sa mga kumpanya at may mababang presyo para maging abot-kaya kumpara sa test na ginagawa ng mga ospital at laboratoryo.

Ito ay para makatulong umano sa mga kumpanya partikular na sa micro, small and medium enterprises o MSMEs na hindi kayang mag-set up ng sarili nilang testing booths subalit nais na ma-test ang kanilang mga empleyado para sa nasabing virus.

Idinagdag pa ni Herrera na bagama’t maraming negosyo ang papayagan na magbukas kapag niluwagan na ang lockdown, nag-aalala pa rin ang ibang kumpanya para sa kanilang mga manggagawa na magbabalik trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang mobile COVID-19 testing project ay sa pakikipagtulu­ngan sa Diagnostica de San Vicente at bukas din sa iba pang diagnostics clinics sa bansa.

Ayon pa sa kongresista, ang mobile rapid testing trucks ay makikipag-tie up din sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng Department of Health (DOH) para sa pagsasagawa ng polymerase chain reaction or PRC test kapag ang resulta nito ay nagpositibo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with