Bong Go sa mga negosyante: Ibangon natin ang ekonomiya
(Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher Lawrence “Bong” sa mga opisyal at miyembro ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na suportahan ang pamahalaan na maibangon ang ating ekonomiya mula sa pagkalubog dulot ng COVID-19 pandemic.

Hiniling din niya sa mga negosyante na tumulong sa paglaban sa korapsyon lalo’t naghahanda nang magbukas ang mga negosyo.

“Kayo po ang makakatulong, mga negosyante, to invest in the provinces. At ang gobyerno din po magbibigay ng incentives to encourage you to invest,” ani Go sa kanyang virtual meeting sa mga opisyal ng FFCCCII.

Idinetalye niya sa pulong ang mga binubuong plano ng gobyerno na makatutulong sa pagbuhay ng ekonomiya na inilugmok ng pandemya.

“First, the government will restart and accelerate its Build, Build, Build Program, subject to strict health standards to protect its workers,” ani Go na nagsabing ang flagship infrastructure agenda ng pamahalaan ay tuluy-tuloy para sa pagbangon ng ekonomiya.

Inihayag din niya ang pagnanais ng gobyerno na maghimok ng foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapasa ng Package 2 ng Comprehensive Tax Reform Program, na kabibilangan ng flexible tax at non-tax incentives na panukala ng Department of Finance.

CHRISTOPHER BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with