81% Pinoys lumalabas ng bahay para bumili ng pagkain

Base sa special Social Weather Station (SWS) mobile phone survey sa 4,010 working-age Filipinos o may edad na 15 taong gulang pataas, 81% ang nagsabi ng lumabas sila ng 1-3 beses upang bumili ng pagkain; 98% ang bumili ng gamot, at 98% din ang lumabas ng 1-3 beses para sa financial transactions.
Philstar.com/ Era Christ Baylon, file

MANILA, Philippines — Apat sa bawat limang Filipino ang lumalabas ng kanilang tahanan ng isa hanggang tatlong beses sa isang linggo upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan lalo na ng pagkain.

Base sa special Social Weather Station (SWS) mobile phone survey sa 4,010 working-age Filipinos o may edad na 15 taong gulang pataas, 81% ang nagsabi ng lumabas sila ng 1-3 beses upang bumili ng pagkain; 98% ang bumili ng gamot, at 98% din ang lumabas ng 1-3 beses para sa financial transactions.

Ang mga lumabas para bumili ng pagkain ng 1-3 beses ay mas mataas sa Balance Luzon na 84%; Mindanao, 82% at Metro Manila, 81% samantalang 76% sa Visayas.

Sa 4,010 na sinurvey, 294 ang mula sa National Capital Region, 1,645 sa Balance Luzon (Luzon sa labas ng Metro Manila), 792 sa Visayas, at 1,279 sa Mindanao.

Show comments