^
Nadali ng COVID-19 sa Pilipinas lampas 15,000 na
Minamando ng mga maskaradong pulis na ito ang mga kalsada habang nagpapatuloy ang lockdown sa Lungsod ng Maynila.
The STAR/Edd Gumban, File

Nadali ng COVID-19 sa Pilipinas lampas 15,000 na

James Relativo (Philstar.com) - May 27, 2020 - 4:02pm

MANILA, Philippines (Update 1, 5:09 p.m.) — Tuloy pa rin ang pagsipa ng bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas apat na araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), sumipa ang kumpirmadong kaso nito sa 15,049 ngayong Miyerkules.

"As of 4 p.m. today, May 27, meron na tayong naitalang 380 na bagong kaso ng COVID-19," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito na ang pinakamataas na itinalon ng COVID-19 cases sa isang araw simula noong maitala ang 414 na kaso noong ika-6 ng Abril. Kahapon lang nang madagdagan ito ng 350.

Paliwanag ni Vergeire sa hiwalay na press briefing, biglang sumirit ang bilang ng infections dahil na rin sa pagpositibo ng mga pauwing overseas Filipino workers (OFWs).

"Noong amin pong pinag-aaralan, may naidagdag po dito na mga numero ng OFWs na nagpositibo at naidagdag sa datos natin," sabi niya.

Kasalukuyan namang nasa 10,639 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayon, na nangangahulugang hindi pa sila gumagaling o namamatay sa sakit.

Patay naman sa pathogen ang 18 pang katao, dahilan para umabot na ito sa 904 ngayon.

Mas marami pa rin diyan ang mga gumagaling sa sakit matapos nitong umabot sa 3,506. Nadagdagan pa kasi ito ng 94 ngayong araw.

Ganyan din ang nararanasang pag-akyat ng global COVID-19 cases sa iba't ibang panig ng daigdig, matapos itong tumuntong sa 5.4 milyon, ayon sa World Health Organization (WHO).

Kalakhan ng mga nabanggit ay nagmula sa kontinente ng Amerika sa 2.45 milyon. Nasa 343,562 naman namatay dahil sa virus sa buong mundo.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with