Sa 17 Metro Manila mayors, 14 aniya ang mas pinipili na maisailalim na ang kanilang lunsod sa GCQ sa pagtatapos (ng MECQ) sa Mayo 31 subalit mananatili pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols.
Manila PIO/Released
14 sa 17 Metro Manila mayor pabor sa GCQ
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Ed­win Olivarez na ka­ramihan sa mga alkalde ang nagnanais na mailagay na rin sa general community quarantine (GCQ) mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila mula sa Hunyo 1.

Sa 17 Metro  Manila mayors, 14 aniya ang mas pinipili na maisailalim na ang kanilang lunsod sa GCQ sa pagtatapos (ng MECQ) sa Mayo 31 subalit mananatili pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols.

Sumang-ayon aniya sa kaniya ang marami sa mga alkalde na may ‘devastating effect’ ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa kabuhayan ng mga manggagawa at negosyante partikular sa Metro Manila. Sa Mayo 27 magpupulong ang MMC para sa mabubuong rekomen­dasyon kung ida-downgrade o hindi ang MECQ sa Metro Manila.

Matatandaang noong nakalipas na pu­long noong Mayo 9, sina Que­­zon City Mayor Joy Belmonte, Makati Ma­yor Abby Binay; Manila Ma­yor Isko Moreno, Malabon Mayor Antolin Oreta III, Las Piñas Mayor  Imelda Aguilar ay iniendorso na maisailalim na sila sa GCQ sa pagtatapos ng ECQ noong Mayo 16.

Kabilang pa sa mga nagsusulong na mai­baba na sa GCQ ang MECQ sina Mandaluyong City Mayor Carmelita Abalos, Pateros Ma­yor Miguel Ponce III, Caloocan City Ma­yor Oscar Malapitan, at Taguig City Mayor Lino Edgardo Cayetano.

Gayunman, sa isang hiwalay na pa­hayag, sinabi kahapon ni Department of Interior and Local Go­vernment Secretary Eduardo Año na posibleng magpatupad na lamang ng selective lockdown sa ilang lugar sa Metro Manila simula sa Hunyo 1 sakaling magpasya ang pama­halaan na tuluyan na ring tanggalin ang MECQ sa Mayo 31.

Sinabi ni Año na mas aplikable ang ganitong setup upang mapayagan ang mga residente sa rehiyon na makapag-adjust sa ‘new normal’ dahil na rin sa patuloy pa ring problema na nararanasan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Mer Layson

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with