11 NPA rebs patay sa planong pag-atake sa COVID relief operations
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang 11 miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos mapigilan ng 401st Infantry “Unite N Fight” Brigade ng 4th Infantry “Diamond” Division ng Philippine Army ang balak na pag-atake ng grupo sa Surigao Del Sur.

Ayon kay Captain Al Anthony Pueblas, tagapagsalita ng 4th ID, nakakuha ng tip ang militar sa mga lokal na residente tungkol sa malaking pagtitipon ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng NPA sa Andap Valley Complex, Surigao del Sur para guluhin ang COVID-19 relief efforts ng gobyerno.

Dahil dito, nagsagawa ng sunud-sunod na security operations ang militar na nagresulta sa pagkubkob ng malaking kampo ng NPA na makaka-accommodate ng 150 tao, kung saan 11 NPA ang napatay.

Ani Pueblas, minomonitor pa rin nila ang galaw ng grupo sa ibang lugar.

Narekober din ng tropa ang limang firearms, dalawang laptops, isang overhead projector, flash drives, external hard drives, at iba pang mahahalagang gamit ng NPA.

Sa follow-up operations ay nagkaroon ng limang magkakahiwalay na eng­kwentro sa mga isolated area ng Andap Valley complex, kung saan pinaniniwalaang lubhang nasugatan ang apat na top rank NPA officials na sina Myrna Sularte aka “Malaya”, the Secretary of NEMRC; Alvin Loque aka “Joaquin Jacinto”, ang Spokesperson ng Komisyon Mindanao (KOMMID); Alfie Masinatao Basa aka “Momoy”, the Vice CO ng Regional Headquarters (RHQ), NEMRC; at Lorna Pamutongan Gomez aka “Momay”, Medical Staff ng RHQ, NEMRC.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with