^

Mas mahigpit na parusa sa perjury inaprub ng Senado

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagbibigay ng mas mahigpit na parusa at malaking multa sa sinumang mga testigo na magsisinungaling sa kanilang mga sinumpaang salaysay.

Sinabi ni  Senador Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice and Human Rights na nag-sponsor ng Senate Bill 1354 na ang mas mabigat na parusa sa ilalim ng batas ang naglalayong pigilan ang mga tao mula sa pagsisinungaling sa kanilang mga sinumpaan sa pagtestigo tulad ng mga legislative hearings.

Bukod kay Gordon, co-authored din ng panukala sina  Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at  Senators Panfilo Lacson at Leila de Lima. 

Naaprubahan ang panukala sa botong 20 na yes at walang negative vote.

Inaamyendahan din ng panukala ang Article 183 ng revised penal code na nagbibigay ng parusang prison mayor o minimum period na anim hanggang 10 taon na pagkakakulong mula sa kasaluku­yang arresto mayor o maximum period na apat na buwan hanggang 2 taon pagkakakulong.

Habang ang mga public official o empleyado na magsisinungaling ay magmumulta ng P1 milyon gayundin ang perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon o puwesto sa gobyerno.

SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with