Nagpatiwakal na suspect COVID patient negatibo sa virus

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines - Nagnegatibo sa sakit na coronavirus disease 2019 ang 89 anyos na lola na umano’y tumalon mula sa ikatlong palapag ng isolation ward ng Cagayan Valley Medical Center dito noong Miyerkules. Ayon kay CVMC head Dr. Glenn Mathew Baggao, lumabas ang resulta ng test kay lola Felisa Acosta ng Barangay Buntun dakong alas 5:00 ng hapon kamakalawa.

Sinabi ni Baggao na inilibing ang lola sa loob ng 12 oras alinsunod sa protocol ng Department of Health sa mga nasawi sa pinaghihina­laan at kumpirmadong kaso ng COVID-19. Matapos ang dalawang oras mula nang ilibing si Acosta ay siyang pagdating ng resulta ng swab test nito mula sa Baguio General Hospital and Medical Center na sinasabing wala siyang COVID-19.

Show comments