Radio reporter patay sa ambush

Nakilala ang biktimang si Cornelio Pepino aka “Rex Cornelio”, 48, ng DYMD Energy FM reporter/announcer, ng Boloc-boloc Sibulan, Negros Oriental.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang radio reporter makaraang tambangan ng riding in tandem sa Dumaguete City.

Nakilala ang biktimang si Cornelio Pepino aka “Rex Cornelio”, 48, ng DYMD Energy FM reporter/announcer, ng Boloc-boloc Sibulan, Negros Oriental.

Sa report, dakong 8:30 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa Villa Amada, North Road Brgy. Daro, Dumaguete City.

Si Pepino ay sakay sa isang motorsiklo kasama ang asawa papauwi ng bahay galing sa radio station.

Lingid sa biktima ay sinusundan na umano siya ng mga suspek sakay sa isang motorsiklo.

Pagsapit sa nasabing lugar tinapatan ng mga suspek ang biktima at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman dinala ang biktima sa Siliman University Medical Center ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Inaalam ng mga awtoridad kung ang pamamaril ay may kinalaman sa trabaho ng biktima.

Show comments