7 buwang gulang na sanggol sa Bulacan, positibo sa COVID
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Positibo sa COVID-19 ang isang 7-buwang gulang na sanggol na lalaki sa bayan ng Bocaue.

Ayon sa ulat ng Provincial Public Health Office, isa ang nasabing sanggol sa dalawang nadagdag na confirmed COVID-19 cases sa Bulacan na ngayon ay umabot na sa bilang na 114.

Kabilang din ang isang 49-anyos na ginang mula sa bayan ng Guiguinto ang nadagdag sa mga confirmed cases.

Sa kasalukuyan, wala namang bagong kaso ng mga recovered patient ang nadagdag gayundin sa mga namatay kaya mananatiling 19 pa rin ang recovered cases habang 24 ang bilang ng mga nasawi sa Bulacan.

Mariin namang ipinaliwanag ng PHO sa pamumuno ni Dr. Joy Gomez na maaaring may discrepancy o pagkakaiba sa datos na inilalabas ng kanilang ahensya at sa DOH tracker, dahil umano ito sa masusing beripikasyong isinasagawa ng kanilang opisina.

Related video:

COVID-19 JOY GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with