^

SC at DOJ kinalampag: Low-risk detainees palayain

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos magpositibo sa COVID-19 ang siyam na bilanggo sa Quezon City Jail, kinalampag muli ng mga mambabatas ang Supreme Court at Department of Justice na palayain na ang mga low-risk detainees at matatandang preso.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Vice Chairman ng House Committee on Justice, suportado niya ang rekomendasyon ni Committee Chairman at Leyte Rep. Vicente Veloso III na palayain na ang mga low risk detainees na namemeligro sa pagkalat ng pandemic na virus sa mga piitan.

Wala anyang magagawang social distancing sa mga  bilangguan dahil sobrang nagsisiksikan ang mga preso  dito at mahawa lang ang isang bilanggo ay tiyak na mahahawa rin ang iba.

Sinabi ni Rodriguez na dahil sa nangyari sa Quezon City Jail ay dapat ikonsidera ng Mataas na Hukuman at ng DOJ ang pagpapalaya sa mga detenidong mababa sa peligro, madaling mahawa ng sakit tulad ng mga mahigit nang 60 anyos.

“Based on data, senior citizens and those with underlying medical conditions are the most vulnerable,” ani Rodriguez na iginiit na sana’y mapukaw ang atensyon ng Supreme Court at DOJ sa nangyaring pagkahawaan ng 9 inmates sa Quezon City jail sa COVID 19.

Sa panig naman ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, hiniling rin nito sa DOJ at SC na madaliin na ang pagpapalaya sa mga presong matatanda at maysakit dahil mas madali ang mga itong kapitan ng virus.

COVID-19 QUEZON CITY JAIL RUFUS RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with