Ito ang ipinahayag kahapon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ng Interagency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease na nagsabi pa sa isang pulong-balitaan na “Mga kababayan, may mga nagtatanong sa akin: nasaan na tayo sa kampanya natin laban sa COVID-19? Ang sagot ko sa ngayon: ‘di pa po tapos ang boksing.”
Boy Santos/ File
‘Hindi pa tapos ang boksing’ - IATF
(Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

 Laban sa COVID-19

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang laban sa COVID-19 tatlong linggo mula nang ipatupad sa Luzon ang enhanced community quarantine.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ng Interagency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease na nagsabi pa sa isang pulong-balitaan na “Mga kababayan, may mga nagtatanong sa akin: nasaan na tayo sa kampanya natin laban sa COVID-19? Ang sagot ko sa ngayon: ‘di pa po tapos ang boksing.”

Ibinulalas niya ang obserbasyon dalawang araw makaraan ding palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ hanggang katapusan ng buwang ito para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Sinabi pa ni Nograles na merong magagandang kaganapan at senyales sa pagpigil sa outbreak pero sinabi niya, “Hinihikayat namin ang bawat isa na patuloy na maging mapagmat­yag at gawin ang kanilang papel para mapigilan ang pagkalat ng sakit.”

Naunang sinabi ni Nogra­les na sa pinalawig na ECQ ay maibubukod ng bansa ang hinihinalang may COVID-19 sa ilang pasilidad sa buong bansa.

Madadagdagan din anya ang kapasidad sa mga test sa hanggang 10,000 indibidwal kada araw pagdating ng Abril 27 o tatlong araw bago alisin ang ECQ.

Ayon naman kay Secretary Carlito Galvez, Jr., chief implementor ng National Action Plan against COVID-19, inaasahan sa linggong ito na maaari nang matanggap ang mga COVID-19 patient sa Rizal Memorial Sports Complex, PICC at World Trade Center.

Inaasahang handa na sa susunod na linggo para magamit bilang COVID-19 mega quarantine facility ang 55,000-seater na Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan at magamit na ng mga pasyente mula sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at Bulacan.

KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with