Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, marapat lamang na parangalan ang mga frontliners ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan.
Edd Gumban/ File
Frontliners kilalanin ngayong Araw ng Kagitingan – Malacanang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Malacanang ang mga mamamayan na makiisa sa pagkilala sa kabayanihan ng mga frontliners sa pamamagitan ng pagpa­lakpak sa mga bintana at pintuan ng bahay ngayong ika-4 ng hapon o kaya ay paggawa ng videos sa Tiktok at iba pang social media katulad ng Facebook at Instagram.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, marapat lamang na parangalan ang mga frontliners ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan.

Sinabi pa ni Nograles na ang pagpaparangal sa mga frontliners ay maaaring gawin araw-araw simula ngayon.

Para naman aniya sa mga gustong gawin ang pagpaparangal sa modernong paraan, puwedeng gamitn ang social media at gumawa ng video habang kumakanta o sumasayaw.

Mahalaga aniya na maipakita ng lahat ang pagmamahal sa mga frontliners ngayong panahong ito.

Related video:

KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with