^

Bansa

Sen. Go nanawagan ng bayanihan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa lahat ng Filipino na gawin ang lahat ng magagawa para makatulong sa ating mga kababayan sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

“Hindi na po importante kanino galing (ang tulong), ang importante po ay makarating (sa dapat tulungan),” ani Go.

Sa panayam ng radyo, sinabi ni Go na mahalagang matiyak na ang mga tulong ay makarating sa mga totoong nangangailangan lalo ngayong lumalakas ang panawagan sa mga pribadong sektor para mag-donate ng medical supplies, personal protective equipment (PPEs) at relief goods.

“Hindi importante ang recognition sa pagtulong,” ani Go sa pagsasabing mas importante ang responsibilidad ng bawat Filipino sa pagtulong para maresolba agad ang krisis.

Tiniyak ni Go na ang kanyang opisina ay lagi ring nakahanda upang magsilbing tulay ng mga pribadong kompanya at indibidwal na nais magdonasyon ng ayuda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with