“Ngayon, ito naman may tao ako na abogado sa PACC, Commissioner Manuelito Luna, gusto niya na ipa-imbestiga si Leni kung bakit nag-solicit. Anak ka ng...Kaya ako nung narinig ko, sabi ko, ‘Fire him.’ As of this moment, he is no longer connected with government,” sabi ng Pangulo.
Miguel De Guzman/ File
Duterte, sinibak ang PACC exec na humirit imbestigahan si Robredo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna dahil sa paghirit na imbestigahan ang ginagawang pagso-solicit ni Vice President Leni Robredo sa pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Sa kanyang televised message sa mga mamamayan kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na agad niyang sinibak sa puwesto si Luna nang marinig na gustong paim­bestigahan ang ginagawang paghingi ng tulong ni Robredo sa pribadong sektor.

“Ngayon, ito naman may tao ako na abogado sa PACC, Commissioner Manuelito Luna, gusto niya na ipa-imbestiga si Leni kung bakit nag-solicit. Anak ka ng...Kaya ako nung narinig ko, sabi ko, ‘Fire him.’ As of this moment, he is no longer connected with government,” sabi ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, walang mali sa ginagawang paghingi ng tulong ng bise presidente.

Inamin ng Pangulo na may mga panahon na binabatikos niya si Robredo pero sa pagkakataong ito ay wala siyang nakikitang mali sa ginagawa nito.

“Ako, wala akong ano kay... Alam mo, trabaho rin ni... Ako, when panahon na i-criticize ko si Leni, ganun na lang ang lang --- sometimes the language that I use is very...Pero itong panahon na ito na wala namang kasalanan ‘yung Vice President. Nag-ano --- nag-ano nga na magtulong. Bakit ipa-imbestiga mo sa...?” ani Duterte.

Nagbanta pa ang Pangulo sa National Bureau of Investigation na tinawag niyang ignorante na isasali sa dismissal kung iimbestigahan si Robredo.

Matatandaan na pinuna ni Luna ang pakikipag-kumpetisyon umano ni Robredo sa gobyerno at ang pagso-solicit nito para makapagbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Related video:

MANUELITO LUNA PACC RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with