Sa nasabi ring press briefing sinabi ng architect na si Dan Lichauco na ang disenyo ng quarantine facilities ay ihahalintulad sa mini hospitals na mayroong color-coded nurse stations, disinfection at sanitation.
Photo by Malacañang Photo Bureau/Rey Baniquet unless otherwise stated
Philippine Arena gagawing ‘mega quarantine facility’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihahanda na para gawing “mega quarantine facility” ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan para sa mga pasyenteng posibleng tamaan ng COVID-19.

“Nagpapasalamat po tayo sa INC, sa kapatiran dahil pumayag na po sila at in-offer po nilang gamitin ang Philippine Arena. Ito po ay napakalaking complex po sa Bocaue, Bulacan para mag-serve din po sa Bulacan at sa Region III,” ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Vince Dizon sa Laging Handa press briefing.

Ang Philippine Arena ang itinuturing na pinakamalaking indoor Arena sa buong mundo.

Sa nasabi ring press briefing sinabi ng architect na si Dan Lichauco na ang disenyo ng quarantine facilities ay ihahalintulad sa mini hospitals na mayroong color-coded nurse stations, disinfection at sanitation.

Gagawan ng enclosed rooms ang mga nurse para sa kanilang proteksyon.

Titiyakin din na magiging kumportable ang mga pasyente sa pasilidad.

May saksakan para sa devices, toilet facilities, at tubig.

Ang pagkain ay ihahatid sa kwarto ng mga pasyente.

Ang kailangan lang aniyang gawin ng isang pasyente ay buksan ang isang ilaw upang malaman ng mga nurses o staff na kailangan nila ng tulong.

Inihayag naman ni DPWH Secretary Mark Villar na bukod sa Philippine Arena marami pang pasilidad ang inaayos upang magamit na pasilidad ng mga COVID-19 patients.

Kabilang dito ang World Trade Center, PICC forum hall at Rizal Sports Complex na inaasahang matatapos na ngayong linggo.

Ang Athletes’ Village sa New Clark City, Tarlac na dating at ASEAN Convention Center ay gagamitin na rin bilang COVID-19 hospital.

 

PHILIPPINE ARENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with