Balitang naospital si Duterte ‘fake news’ - Palasyo
MANILA, Philippines — Peke umano ang balitang kumakalat na na-admit sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo nakarating sa kanila ang impormasyon na may ganitong balita na kumakalat sa social media.
Hindi umano ito totoo dahil ang Pangulo ay nananatiling malakas at malusog.
Patuloy din nitong ginagampanan ang kaniyang presidential duties sa Bahay Pagbabago.
“We wish to inform the public that such information is absolutely false. The President is fit and healthy and is currently doing his presidential duties at his official residence at the Bahay Pagbabago,” ayon kay Panelo.
Inabisuhan din ni Panelo ang publiko na maging maingat sa mga nababasa at ibinabahaging balita sa social media.
- Latest