COVID report isinumite ng Pangulo sa Kamara

MANILA, Philippines  — Isinumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara ang unang linggong report nito sa karagdagang kapangyarihan kaugnay ng mga naging aksyon ng pamahalaan para labanan ang COVID-19 pandemic.

Tuwing Lunes kada linggo ay magsusumite ang Pangulo ng lingguhang report sa dalawang Kapulungan ng Kongreso sa mga naging aksyon ng pamahalaan laban sa coronavirus partikular na sa pagtulong sa 18 milyong mga residenteng naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Samantala ang Joint Congressional Oversight Committee na binubuo ng apat na Senador at apat na Kongresista ang magsusuri kung ang lahat ng aksyon na ipinatupad ng Executive Branch ay tumatalima sa itinatadhana ng batas. 

Show comments