^

Bansa

COVID sa ‘Pinas: 1,546 positibo, 78 ang nasawi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat sa 1,546 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang tumaas rin sa 78 ang bilang ng mga nasawi sa sakit base sa update ng Department of Health (DOH) kahapon.

Sa kanilang Case Bulletin No. 016 dakong alas-4:00 ng hapon, kinumpirma ng DOH na 128 pang pasyente ang natagpuan nilang positibo.  Binigyan sila ng patient number PH1,419-PH1,546.

Pito naman ang nadagdag sa mga pasyenteng tuluyang nalagutan ng hininga sa pakikipaglaban kaya umakyat ang death toll sa bansa sa 78.  Kabilang sa kanila ang apat na senior citizen.

Tinukoy ang mga nasawi na sina PH149 na isang 61-anhyos na Filipina mula sa Makati City; PH587 na isang 79-anyos na Filipino na taga-Muntinlupa City; PH647 na isang 43-anyos na Filipino mula sa Paranaque City; PH1488 na isang 60-anyos na lalaki buhat sa Muntinlupa City ngunit inaalam pa ang nasyunalidad.

Nasawi rin sina PH1447 na isang 45-anyos na Filipino mula sa Davao City; PH1446 na isang 59-anyos na Filipino buhat rin sa Davao City at si PH1489 na isang 74-anyos na Filipino na taga-Quezon City.

Wala namang nadagdag sa mga pasyente na nakarekober sa sakit kaya nananatili ang bilang ng recoveries sa 42.

Sinabi ni Health Under­secretary Ma. Rosario Vergeire na inaasahan na patuloy pa ang pagtaas ng mga numero dahil sa dagdag na bilang at kapasidad ngayon ng mga testing laboratories at mas masigasig na ‘contact tracing’.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with