^

Bansa

COVID sa Pinas, sumampa sa higit 1K

Pilipino Star Ngayon
COVID sa Pinas, sumampa sa higit 1K
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon (March 28), nasa kabuuang 1,075 na ang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 272 COVID-19 positive patients sa magdamag.
Boy Santos/ FIle

MANILA, Philippines — Umakyat na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga apektado ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon (March 28), nasa kabuuang 1,075 na ang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 272 COVID-19 positive patients sa magdamag.

Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng virus sa bansa sa loob lamang ng 24 oras.

Samantala, 14 pang pasyente ang nasawi dahilan para umakyat sa kabuuang bilang na 68 ang death toll.

Apat naman ang nakarekober o nagnegatibo na sa nakakahawang virus.

Sa ngayon, nasa 35 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with