Ayon kay Go, kung nais ng gobyerno na huwag lumabas at manatili sa kani-kanilang tahanan ang mga tao ay ibigay sa kanila ang kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain at ayudang cash dahil dapat silang patuloy na mabuhay.
Bong Go FB Page/File
Go: ‘Pamilyang nasa quarantine huwag gutumin’
(Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ahensiya ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad ng bawat pamilyang Filipino at huwag silang gutumin kung nais na sila ay manatili at magtagal sa ilalim ng enhanced community qua­rantine na layong mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Go, kung nais ng gobyerno na huwag lumabas at manatili sa kani-kanilang tahanan ang mga tao ay ibigay sa kanila ang kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain at ayudang cash dahil dapat silang patuloy na mabuhay.

Anang mambabatas, dapat siguruhin ng mga ahensiyang tulad ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at Department of Social Welfare and Development na nararamdaman ng mga Filipino ang kanilang pagsuporta sa harap ng COVID-19 situation. 

 “Alalayan rin natin ang mga informal economy workers – mga vendors at Public Utility Vehicle dri­vers, tulad ng mga namamasada ng taxi, tricycle, bus, jeep at iba pa. Pati na rin po ang mga trisikad, pedikab, habal-habal at mga nagtatrabaho sa Transportation Network Vehicle Services o TNVS, katulad ng Grab, Angkas, Joyride. Lalong lalo na po ang mga kababayan natin na ‘isang kahig, isang tuka’-mga daily wage earners na kinailangang tumigil sa pagtatrabaho para maging ligtas mula sa pagkalat ng sakit na ito,” ani Go.

BONG GO COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with