Lindol umuga sa Zambales sa gitna ng Luzon-wide 'community quarantine'
Sa taya ng Phivolcs, bandang 2:49 p.m. nang yanigin ng 4.6 magnitude earthquake ang San Felipe, Zambales.
Released/Phivolcs
Lindol umuga sa Zambales sa gitna ng Luzon-wide 'community quarantine'
James Relativo (Philstar.com) - March 19, 2020 - 3:38pm

MANILA, Philippines — Isang lindol ang yumanig sa ilang bahagi ng Luzon sa kalagitnaan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa taya ng Phivolcs, bandang 2:49 p.m. nang yanigin ng 4.6 magnitude earthquake ang San Felipe, Zambales.

Nakapagtala ng instrumental intensity III (mahina) sa Lungsod ng Olongapo hangang intensity I naman sa Guagua, Pampanga.

Sa kabila nito, wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks dulot ng earthquake.

Sinasabing "tectonic" ang origin ng lindol, Huwebes.

Bagama't sa Zambales pa ang epicenter, ilan netizens naman ang nagsasabing nadama nila ito hanggang sa Metro Manila.

Antabayanan ang mga detalye sa balitang ito

EARTHQUAKE PHIVOLCS ZAMBALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with