^

Bansa

Baliuag, Bulacan mayor positibo sa COVID-19

Philstar.com
Baliuag, Bulacan mayor positibo sa COVID-19
"Nais kong personal na ipabatid sa inyo, na ang inyong Punong Bayan ay nag-positibo sa Covid19, batay sa resulta ng pagsusuring inilabas ng [Research Institute for Tropical Medicine] ngayong araw," ani Estrella.
Mula sa Facebook page ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella

MANILA, Philippines — Kinumpirma mismo ng alkalde ng Baliuag, Bulacan na nagpositibo siya sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19), Martes ng hapon.

Sa isang emosyonal na Facebook post kanina, inilahat ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella ang kasalukuyang estado ng kalusugan.

"Nais kong personal na ipabatid sa inyo, na ang inyong Punong Bayan ay nag-positibo sa Covid19, batay sa resulta ng pagsusuring inilabas ng [Research Institute for Tropical Medicine] ngayong araw," ani Estrella.

 

 

Noong nakaraang linggo raw nang makaranas si Estrella ng panghihina ng kawan, kasama ng sipon, na ilan sa mga tinitignan sintomas ng COVID-19.

Umabot na sa 187 ang bilang ng mga tinatamaan nito sa Pilipinas simula nang mapasok ng virus ang Pilipinas, habang 12 pa rin ang patay dahil sa COVID-19.

Tinatayang nasa apat na pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang nagmula sa probinsya ng Bulacan.

Diin pa ni Estrella, agad niya itong sinabi dahil "deserve" itong malaman ng kanyang mga nasasakupan.

Sa kabila ng kanyang sitwasyon, siniguro naman niyang inoobserbahan pa rin niya ang mga kaganapan sa kanyang bayan.

"I may not be physically present at the moment, but rest assured that you have a working government," dagdag niya.

Ipinag-utos na rin ni Estrella ang pamamahagi ng 70% Isopropyl Alcohol sa 10,000 mahihirap na pamilya sa Baliuag, na siyang maaaring magamit kontra sa COVID-19.

Kampante naman siyang mapangangasiwaan nang maayos ni Baliuag Vice Mayor Cris Clemente at ng Sangguniang Bayan ang Task Force Covid19, na mangunguna sa paghahandog ng mga serbisyo habang siya'y wala.  — James Relativo

vuukle comment

BALIUAG

BULACAN

FERDIE ESTRELLA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with