^

Bansa

Duterte pinasalamatan ng Dos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinasalamatan ng Dos
Ayon sa Kapamilya network, makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ng Presidente upang maisagawa ang pagbibigay ng mahigit P2 milyon sa isang charitable institution.
King Rodriguez/Presidential Photo/File

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang ABS-CBN sa pagtanggap ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa paumanhin ng kompanya dahil sa pagka­bigong magamit ang political ads noong 2016.

Ayon sa Kapamilya network, makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ng Presidente upang maisagawa ang pagbibigay ng mahigit P2 milyon sa isang charitable institution.

Imbes kasing tanggapin ng Pangulo ang iniaalok ng ABS-CBN na refund sa kanyang TV ad, pinayuhan ni Duterte ang kompanya na ibigay na lamang ito sa isang charitable  organization.

Tiniyak din ng TV network na itutuloy nila ang makabuluhang serbisyo para sa Pilipino.

Una nang humingi ng paumanhin kay Pangu­long Duterte si ABS-CBN Pres. & CEO Carlo Katigbak nang bigong mailabas ang political ad ng noon ay kandidatong Pangulo pa lang ang da­ting alkalde ng Davao City at nagsabing isosoli sa Chief Executive ang budget sa ads placement.

vuukle comment

ABS-CBN

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with