Duterte tinanggap ang sorry ng ABS-CBN
“Yes. I accept the apology, of course,” ani Duterte.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo, File
Duterte tinanggap ang sorry ng ABS-CBN
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggap na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN kaugnay sa isang political ad na banat sa kanya noong 2016 presidential elections.

“Yes. I accept the apology, of course,” ani Duterte.

Nauna rito, mismong si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak ang nag-sorry sa pagdinig ng Senado sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi pa ng Pangulo na maaaring i-donate na lamang ng network ang P2.6 milyon na dapat i-refund sa kanya matapos hindi ipalabas ang kanyang political ad. Bahagi ang nasabing pera ng P7 milyon na hindi kaagad nai-refund ng network.

Nang tanungin kung lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas tungkol sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ng Pangu­lo na: “I will cross the bridge when I get there.”

Sinabi pa ng Pangulo na sinadya niyang dumistansiya sa isyu. Ang desisyon aniya tungkol sa prangkisa ay nasa House of Representatives at Senado.

“I tell you I am not going to interfere. Wala talaga,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi rin ni Duterte na sa sandaling magbigay siya ng pahayag tungkol sa inihaing quo warranto petition ng solicitor general ay nakialam na rin siya sa isyu.

Kaugnay nito, nag­hain ng isang panukalang batas si Sen. Ramon Revilla Jr. na nag­lalayong i-extend ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang Disyembre 31, 2020.

ABS-CBN DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with