^

Bansa

ABS-CBN franchise, ipapasa o ibabasura?

Pilipino Star Ngayon

Bong Go hinikayat ang Kongreso na magdesisyon na

MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. Bong Go ang mga kapwa mambabatas na magdesisyon na kung ire-renew o ibabasura ang prangkisa ng ABS-CBN. 

Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng pagdududa sa motibo ng ilang kasama sa inihaing joint resolution na humihiling na palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang katapusan ng 2022.

Ang joint resolution No.11 ay may layong pahabain pa ang prangkisa ng giant network hanggang December 31, 2022 sa gitna ng hindi pa tiyak na kapalaran ng ABS-CBN.

Pinuna ni Go ang motibo ng Senate minority leader sa inihain nitong joint resolution.

“Dalawang tanong lang. Bakit i-extend? Why December 2022? It has something to do with politics again,” ani Go na nagsabing magtatapos sa nasabing taon ang termino ni Pangulong Duterte.

Sa halip na palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng joint resolution, sinabi ni Go na dapat nang magbotohan ang mababang kapulungan ng Kongreso kung aaprubahan o ibabasura ang nakabinbing panukala sa prangkisa ng giant network.

Ani Go, natuklasan sa Senate at naging malinaw na may mga taong kumilos para dungisan si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng black propaganda ads noong 2016. 

Sa isyu kung tinanggap ng Pangulo ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN, sinabi ni Go na: “Hopefully, tanggapin n’ya ang sorry. May puso naman ang mahal na Pangulo kaya naman siya minamahal ng taumbayan.”

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with