^

Bansa

Abo ilalagay sa bumbunan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Ngayong Ash Wednesday

MANILA, Philippines — Sa halip na ipapahid sa noo, ilalagay sa bumbunan ang abo para sa Ash Wednesday na isasagawa ngayong araw.

Alinsunod na rin ito sa guidelines na inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang pag-iingat laban sa CoronaVirus Disease o COVID-19.

Kaugnay nito nagpahayag na rin ng kahandaan ang Simbahan ng Quiapo sa Maynila para sa Ash Wednesday.

Sa abiso ng simbahan, magkakaroon ng misa kada oras na magsisimula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-12:15 ng tanghali at mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Upang hindi naman maantala ang pagdiriwang ng misa, maari nang magpalagay ng abo ang mga deboto na nakapila sa unahang bahagi ng simbahan.

Maari namang magtungo sa ilalagay na tent sa labas ng simbahan ang mga deboto na hindi mabubudburan ng abo sa loob ng simbahan.

Bilang hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw o Semana Santa ang Ash Wednesday.

Isa itong mahalagang araw para sa pag-aayuno, pagninilay-nilay, panalangin, pagpepenitensya at pagsisisi sa mga kasalanan.

 

vuukle comment

ASH WEDNESDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with