Gift-giving project para sa mahihirap, inilunsad ng Motortrade
(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 9:00am

MANILA, Philippines — Bilang pasasalamat sa ibayong pagtangkilik ng publiko, inilunsad kahapon ng Motortrade Nationwide Corp. ang "Sa Motortrade, Alaga Ka Dito" gift-giving project sa kanilang Sen. Gil Puyat Avenue Branch sa Makati City. 

Sa proyektong ito ng Motortrade na tatagal hanggang Pebrero 29, kanilang bibigyan ng food packs ang mga pinaka-nangangailangan na pamilya sa bawat branch nila sa buong Pilipinas.

"Ang bawat food pack ay naglalaman ng basic food items kagaya ng bigas, kape, noodles at sardinas," ani Renalyn Prades, south NCR regional manager ng Motortrade.

Nabatid na bawat branch ay namigay ng 50 food packs sa 624 branches ng Motortrade sa buong bansa. Aabot sa 31,200 pamilya ang mabibiyayaan ng proyekto. Ihahatid ang mga food packs nang door-to-door sa pamamagitan ng mga motorcycle rider groups na kaisa ng Motortrade sa proyekto.

"Ang gift-giving project na ito ay pamamaraan ng Motortrade para magpasalamat sa walang sawang suporta ng mga Pilipino sa aming company at syempre ay pagpapakita rin namin ng malasakit sa pamilyang Pilipino," dagdag pa ni Prades.

Sinabi naman ni Fernando Lopez, North NCR regional manager, na may limang taon nang ginagawa ng Motortrade ang proyekto para matulungan ang mga tinatawag na "poorest-of-the-poor" sa bawat barangay. Tinutukoy ang mga kuwalipikadong bepenisaryo ng mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng ibinigay nilang criteria. Ito ay biniberepika sa pagbisita sa kanilang lugar.

Bukod dito, sinabi rin ni Lopez na tumutugon at namamahagi rin ng food packs ang Motortrade sa iba pang kalamidad tulad ng pagtama ng bagyong Tisoy at sa nakalipas na pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ipinagmamalaki nila na ang Motortrade Nationwide Corp. ang pinakamalaking motorcycle dealer sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 624 sangay, at sa pagiging parte ng industriya sa loob ng 51 taon.  

 

Muling hinihikayat ng Motortrade ang publiko sa pagbili ng motorsiklo sa iba't iba nilang sangay. Maaaring magpunta ng personal sa anumang sangay nila at maaari ring bisitahin ang kanilang Facebook page na Facebook.com/MotortradePh at website na www.motortrade.com.ph

MOTORTRADE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with