Isa pang Pinoy sa UAE nagka-‘COVID-19’

MANILA, Philippines — Isa pang Pilipino sa United Arab Emirates ang nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19).

Ipinahayag kamakalawa ng UAE Ministry of Health and Prevention ang dalawang bagong kaso ng COVID-19 kabilang ang isang Pilipino na nakaharap ng isang Chinese national na naunang nagpositibo sa naturang sakit.

“Ang bagong dalawang kaso ay sa isang 34-anyos na Pilipino at isang 39-anyos na Bang­ladeshi. Matatag na ang kanilang kundisyon,” sabi ng ministri.

Sa bagong kasong ito, umabot na sa 11 ang kabuuang bilang ng nagkasakit ng COVID-19 sa UAE bagaman binabanggit ng MOHAP na tatlo sa mga ito ang gumaling na.

Nitong maagang ba­hagi ng buwang ito, ki­numpirma ng pamahalaan ng UAE na isang Pilipino ang nagpositibo sa virus. Nang panahong iyon, ipinahayag ng Department of Foreign Affairs na makikipag-ugnayan ito sa pamahalaan ng UAE kaugnay ng naturang mga kaso.

Wala pang komento ang DFA sa pangala­wang kumpirmadong kaso na kinasasangkutan ng isang Pilipino sa UAE.

Show comments