Bukod kay Garin, siyam na iba pang opis­yal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan din.
KJ Rosales/File
Garin, 9 pa kinasuhan sa Dengvaxia
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng Department of Justice ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si dating Health Sec. Janette Garin at siyam na iba pa dahil sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Bukod kay Garin, siyam na iba pang opis­yal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan din.

May nakita ring sapat na batayan ang DOJ para isulong ang kasong paglabag sa Consumer Act of the Philipines laban sa presidente ng Sanofi dahil sa paggawa ng bakuna na may banta sa mga “seronegatives” o iyong mga hindi pa nagkaka-dengue.

Nakasaad din sa re­solusyon ng DOJ na nagkaroon ng kapaba­yaan sa panig ni Garin at iba pang respondents nang ipatupad ang mass immunization program.

Hindi kasi nabigyan ng sapat na impormasyon ang mga recipient ng bakuna, kanilang mga magulang at pamil­ya sa kung ano ang maaring maidulot ng bakuna.

GARIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with