^

Bansa

DFA pinauuwi ang mga Pinoy sa Diamond Princess na negatibo sa COVID-19

Philstar.com
DFA pinauuwi ang mga Pinoy sa Diamond Princess na negatibo sa COVID-19
Nasa 41 na ang bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 sakay ng barko sa Japan, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health.
AFP/Charly Triballeau

MANILA, Philippines — Iniutos na ng pamahalaan na mapauwi ang ilang Pilipinong pasahero at crew members ng barkong Diamond Princess sa Japan na una nang napag-alamang may sakay na tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., kinausap na nila ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo upang agarang ma-repatriate ang mga Pilipinong nasa barko.

"Tungkulin natin na alagaan ang ating Overseas Filipinos nasaan man sila. Gusto ko na silang mapauwi ngayon din!" sabi ng kalihim sa Inggles.

Nagsimula nang pababain sa barko ang mga pasaherong nag-negatibo sa sakit matapos ang quarantine period ngayong Miyerkules.

Nasa 41 na ang bilang ng mga Pilipinong nag-positibo sa COVID-19 sakay ng barko sa Japan, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health.

Sinusugan naman ng DOH ang sinabi ni Locsin: "Lahat ng Filipino passengers at crew ng M/V Diamond Princess na magre-request ng repatriation ay sasamahan ng gobyerno ng Pilipino," sabi ni Health Assistant Secretary for Public Health Services Maria Rosario Vergeire.

Una nang iniulat na nasa ilang ospital sa Japan ang mga Pilipinong nahawaan ng sakit na coronavirus.

Pagkatapos malaman na may pasaherong nahawaan ng coronavirus sa cruise ship, kinailangang ilagay sa quarantine ang mga nasakay simula noong ika-3 ng Pebrero.

Natuklasan na nasa 3,700 pasahero ang nahawaan ng COVID-19 sa cruise ship.

Tulad ng overseas Filipinos mula sa Wuhan, China, na pinagmulan ng sakit, ilalagay din sa quarantine ang mga sasama sa mga pasaherong bababa ng Diamond Princess.

Kinakailangang manatili ng mga OFWs galing Wuhan sa New Clark City sa Capas, Tarlac para sa dalawang-linggong quarantine.

"Matagumpay ang naunang repatriation mula Wuhan... at nagsisikap tayong masigurong swabe ang repatriation ng mga Filipinos mula sa M/V Diamond Princess," patuloy ni Vergeire. — Philstar.com intern Cody Perez at may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

JAPAN

NOVEL CORONAVIRUS

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with