^

Bansa

Recto kumpiyansang aaprubahan ni 'biker-in-chief' Duterte ang motorcycle-taxi legalization

James Relativo - Philstar.com
Recto kumpiyansang aaprubahan ni 'biker-in-chief' Duterte ang motorcycle-taxi legalization
"Motorsiklo ang ride of choice ng presidente... Kung ano ang okey sa presidente, malamang okey sa karaniwang mamamayan," sabi ni Recto sa Inggles, Martes.
Presidential photo/Rolando Mailo

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi aangal ang Pangulong Rodrigo Duterte panukalang tuluyang magsasaligal sa pagpasada ng mga motorsiklo sa kalsada.

Ito ang sinabi ng senador sa kanyang talumpati na nagspo-sponsor sa panukalang tatapos sa 56-taong pagbabawal sa mga motorsiklo bilang public utility vehicle.

"Motorsiklo ang ride of choice ng presidente... Kung ano ang okey sa presidente, malamang okey sa karaniwang mamamayan," sabi ni Recto sa Inggles, Martes.

Ang House Bill motorcycle-taxi bill, o Senate Bill 1341, ang pumalit sa limang magkakaibang panukala sa Senado (SB 50, 128, 409, 1025 at 1262) na tumatalakay sa ligalisasyon ng mga inaarkilahang motor para sa transportasyong pampubliko.

Nagpapataw ang panukala ng minimum na laki ng makina, bilis at bigat ng motor na maaaring lisensyahan para magsakay ng isang pasaherong nagbabayad.

Bagama't hinahayaan ng Department of Transportation ang operasyon ng Angkas, JoyRide at Move It, iligal pa rin ito at pinapayagan lamang dahil sa isinasagawang "pilot test" na gagamiting batayan sa mga binabalangkas na panukala sa Konggreso.

Sabi pa ni Recto, patunay lang daw ang pagtangkilik ni Duterte sa motorsiklo na ligtas itong uri ng sasakyan.

Disyembre 2019 nang sabihin ni Duterte na ititigil lang niya ang pagmomotorsiko oras na lisanin niya ang mundong-ibabaw.

"Hindi ako maghihinto [magmotorsiklo] dahil 'pag maghihinto ako, mabuti pang mamatay na lang. Wala na eh. Kung wala na ring kaligayahan yung buhay mo...mabuti pang mamatay na," sabi niya sa panayam ng GMA News.

Sa kabila ng sinabi ni Recto, maaalalang nadisgrasya si Digong habang sakay ng motorsiklo noong Oktubre 2019, dahilan para mapaiksi ang pagbisita niya sa koronasyon ng bagong emperor ng Japan.

Sa Timog-Silangang Asya, nasa 43% ng mga namamatay dahil sa road crashes ang bunsod ng mga sasakyang may dalawa hanggang tatlong gulong, ayon sa "Global status report on road safety 2018" ng World Health Organization.

Pero giit ni Recto, hindi na ito maiiwasan dahil sa popularidad nito at kakulangan ng imprastruktura sa transportasyon: "Mas magiging ligtas ito kung maireregula siya ng gobyerno."

Ang puntong 'yan, sinusugan din ni Sen. Grace Poe sa kanyang talumpati rin kanina. 

Mapaiigi rin daw nito ang commuter welfare dahil maeengganyo raw nito ang mga kolorum na habal-habal na pumailalim sa gobyerno't tumalima sa mga regulasyon ng kaligtasan.

Mataas na demand

Batay sa datos ng Land Transportation Office na isiniwalat ni Poe, may humigit-kumulang 18.8 milyong motorsiklo sa Pilipinas, na kumakatawan sa 71% ng rehistradong sasakyan sa bansa.

"Isa sa bawat tatlong Filipino household ay may motorsiklo, at 51% dito ay ginagamit para sa kabuhayan," sambit niya kanina.

"Mayroon ding isangdaan tatlumpu't apat (134) na habal habal terminals sa Metro Manila pa lang. Kung may ganito kalaking supply, ibig sabihin may demand."

Ang lumalaking pangangailangan daw sa mga nabanggit, kasabay ng papasikip na trapiko, ay isa sa mga dahilan kung bakit gusto na nilang kilalanin ito bilang PUV.

Kahit na ipinagbabawal ito ng Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code, patuloy pa rin ang paglobo sa pangangailangan dito.

Tinatayang nasa 10 bansa na ang nagsaligal ng pag-aarkila ng mga motorsiklo gaya ng France, Thailand, Indonesia, India, Vietnam, Cambodia, East Africa, Nigeria, Brazil, and Mexico.

Aniya, maipakikita raw ng global trernd na ito na kayang mapaligtas ang mga nabanggit basta't may regulatory framework na nagsasaprayoridad sa kaligtasan ng mananakay.

Kapansin-pansin din sa pag-aaral ng WHO na mas mababa 'di hamak ang mga namamatay dahil sa motorized 2-3 wheelers sa mga ibang kontinente, kung saan ligal ang motorcycle taxis:

  • Americas (23%)
  • Europe (11%)
  • Africa (9%)

"[H]abang hindi pa natin napeperpekto o naaayos nang mabuti ang ating mass transportation, ang ating mga bus, ang ating train system, ay kailangan ng alternatibong pampublikong masasakyan ang ating mga kababayan," wika pa ni Poe.

vuukle comment

GRACE POE

MOTORCYCLE TAXI

RALPH RECTO

ROAD SAFETY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with