“Bibigyan po natin ng fair na pagdinig kung saka-sakaling umabot ito sa Senado. Ang amin naman dito ay kapakanan po ng bawat Pilipino, kapakanan ng mga empleyado at, rest assured, na ang interes ng bawat Pilipino ang mangunguna sa magiging desisyon ko,” ani Go.
Geremy Pintolo/ File
Go:‘Senado magiging patas sa ABS-CBN
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na maka­ta­tanggap ng patas na pagtrato ang giant network na ABS-CBN sakaling makarating sa Senado ang pag-apruba sa prangkisa nito.

“Bibigyan po natin ng fair na pagdinig kung saka-sakaling umabot ito sa Senado. Ang amin naman dito ay kapakanan po ng bawat Pilipino, kapakanan ng mga empleyado at, rest assured, na ang interes ng bawat Pilipino ang mangunguna sa magiging desisyon ko,” ani Go.

Ayon sa senador, magdedesisyon siya sa isyu sa tamang oras sa pagsasabing: “Ayoko pong magsalita muna bilang mambabatas dahil once approved by the Lower House, (the bills) will reach our office, ang Senado, at boboto po kami diyan, so I will decide by that time po kung dapat ba nating i-renew,” aniya.

Ang panukala na la­yong palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN ay nakabimbin pa sa House committee on legislative franchises, ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ito mapaso.

Sinabi naman nina Senate President Vicente Sotto III at Isabela Representative Antonio Albano sa mga nakaraang pana­yam na ang existing franchise ng ABS-CBN ay magtatagal hanggang huling araw ng 18th Congress sa March 2022 ma­liban na lamang kung magdesisyon ang Kongreso na ibasura ang renewal nito.

“Marami pong legal issues diyan kasi noong nakaraan po, including the CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines) ay pinayagang mag-operate while pending pa ang kanilang application for renewal,” ani Go.

“Nasa executive department na po ito, kung hahayaan sila ng NTC (National Telecommunications Commission) na mag-operate muna while the franchise is being heard sa Kongreso,” dagdag niya.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with