Bata, 1, kumpirmadong may polio
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na may isang taong gulang na batang lalaki mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang may taglay na polio, na pang 17 kasong naitala sa bansa.

Nilagnat at nanghina ang mga paa ng bata na natukoy sa pamamagitan ng surveillance ng Acute Flaccid Paralysis (AFP) cases na isinagawa at iniulat ng barangay health workers.

Samantala, sinabi rin ng DOH na may naiulat din na nagpositibo sa polio virus ang Butuanon River, sa Cebu batay sa nakuhang samples doon na ipinasuri sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Dahil dito, nakikipag-ugnayan ang DOH sa World Health Organization para sa tamang pagbabakuna.

Tumutulong din ang DOH sa Cabanatuan at Mandaue para paigtingin ang isinasagawang  AFP surveillance, pagtukoy at pag-uulat sa mga kaso.

ACUTE FLACCID PARALYSIS DOH POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with